Bakit kaya? Sa tuwing lalabas ako ng bahay or iniisip ko pa lng na lalabas ako o kaya nman may nagyayaya na lalabas kami eh I palpitate kaagad. Isa pa when I try to walk to a nearby store I think that is 200 meter away from home, I also feel the same way. Kapag nasa public place nman ako mixed ung mga nararamdaman ko like palpitation, dizziness, dry throat, hyperventilation(parang di kna makahinga sa sobrang kaba), at parang lahat ng katawan ko nang hihina. That’s what I feel everytime na nasa labas ako kc nga I tried na lumabas nman ng saglit kaya nga lang after a few minutes na I experience those symptoms umuuwi agad ako natatakot na kc ako pag ganun na nagyayari kya my option is to go home and excuse myself kung meron man ako kausap. And syempre lagi ako nyan may kasama pag lumalabas ako kapag wala kc di naman ako makalabas mag-isa.
Heres my experience kapag luamlabas ako:
Heres my experience kapag luamlabas ako:
Time of the day: 2:00 pm
Place: public , madaming tao
One time I had to print some documents eh sa wala nga ako printer dito sa bahay so I decided to go out to have it print kahit pa nga medyo kabado na pinilit ko pa rin sarili ko na magpa-print, hindi ko nman kc pwede i-utos na lng kc medyo complicated ung mga fonts minsan kc sa ibang shop wla ng mga fonts na ginagamit ko. So magkasama kami ni gf na magpa-print, nung andun na kami sa shop syempre check na yung documents for printing, eh medyo naiba yung setting ng mga file so kelangan nnman edit dun, ewan ko ba at umatake nnman ung panic ko I started to feel the symptoms again, try ko pa rin explain dun sa bantay kung anu yung gagawin nya pero iba na tlga nararamdaman ko that time. Di ko rin alam kung bakit lagi n lang ako gnun, ayoko kc magtatagal ako sa isang place gusto ko lagi pagka bigay ko ng usb print agad den alis na ako, ganun ako parati o kya pag my bibilhin pagkakuha ng item sibat na agad. Nakuha naman nya den print na nga nya ung mga docs, pero I started to feel shaky at parang nanghihina, thinking na pag tumagal pa ako sa place na yun eh tutumba na lang ako at pagtitinginan ng mga tao. Ang ginawa ko I tell gf na sya na lng mag antay ng mga printed docs at ako nman uuwi na sa bahay at talagang hindi ko na kaya. Den yun na nga sabay sakay sa motorcycle and drive ng mabilis para makarating agad sa bahay.
Time of the day: 6:00pm
Place: public, madaming to coz rush hours
I had to buy some meds boring ako this time sa bahay den medyo relax nman. Kaya instead na iutos nnman ky gf eh I told her na sasamahan ko na lang sya drug store. Den yun na nga sakay ng motorcycle den punta kami sa drugstore mga 600 meters away lng sa bahay. I told her na sya na lang puamasok sa drugstore at wait na lang ako outside, di na nga ako bumaba sa motorcycle ini-stand ko lng den dun na rin ako naupo.. daming taong nagdaraan sa place na un. Sakayan rin kc ng jeepney ang place na yun. I started to feel the attack again una feel ko ung likod ko sumasakit nnaman, later on I started to palpitate, pabilis ng pabilis nung di ko na matiis pumasok ako ng drugstore (convenient type kc ung store) den sabay hagilap kay gf, fortunately nakita ko nman agad sya, ayun nagpaalam nnman ako na I had to go home na coz inatake nnman ako ng panic attack.. iniwan ko nnman sya sa drugstore kaya sumakay na lng ng pedicab pauwi sa bahay..
Timeof the day:8:00pm
Place: internet café, with Moderate people
Magpapa-print ako uli this time, medyo ok nman pakiramdam ko kaya I decided na ako na lang, sasamahan na lang ako ni gf sa café. At first pagsakay ko ng motorcycle parang start nnman ng attack but ignore ko lng kc wla nman masakit saken that time di nman sumakit ang likod ko kc nag take ako ng arcoxia kaya ok lng. Medyo hilo ng konti pero dala lng cgro ng gamot kya go! Nung makarating kami sa place parang gusto ko na lng uli mag hintay sa labas kya lang parang gusto ko na rin pumasok pra maiba nmn ung situation, kaya sumama ako sa loob. So far ok nman ung ambiance sa loob di ganong matao sa pagpasok ko medyo parang aatake uli ung panic but later prang narerelax na rin kc I started a conversation dun sa nagbabantay which is kakilala ko rin den suki na rin me dun for a long time kaya I feel safe naman sa place nila. So yun nga di natuloy ung panic attack ko. I wonder it happens pagka maraming tao akong nakikita. Thinking na kung may mangyari saken baka pagtawanan ako..
Time of the day: 6:00pm
Place: house: plan to visit my friend
My friend visit me sa house, syempre kwentuhan, kulitan at kung anu-ano pang kagaguhan. After that nagkayayahan he tell us to visit him naman sa kanila para makapag shots na rin at medyo tagal na hindi kami nagkakainuman. Ginawa nya lumabas sya para mag grocery, oo grocery nga ginawa nya bumili ng mapupulutan sa mga chips at mga pasalubong na rin for his kids kami na lng daw magdala para isipin ng misis nya kami bumili at wala sya pera, heheh ayus talaga! Den iniwan na nya ung mga pinamili nya dito sa bahay sabay uwi na rin sila. Nung dumating na oras, syempre ready na kami umalis andito na rin ung isa kung friend na sasama samen, nak ng tokwa naman aalis na lang kami ready na sumakay ng tricycle eh super palpitate nnman ako.. yun nga, sabi ko teka lng muna bka pwede maya-maya na lng umalis at pababain ko muna palpitation ko. Eh ayaw talaga mawala nung palpitate until I decided na wag na lang kami umalis ng bahay. Dun lng medyo humina ung palpitation till mawala na nga.. din a rin kami natuloy! Hmf
Time of the day: 1:00pm
Place: house. Going to hospital for check up
Last night napag-usapan na naming 2 ni gf na magpapa-check up ako den syempre sasamahan nya ako. Paalis na sana kmi bigla nnman lumalakas ang kaba ko, kya sabi maya na kami umalis ayun dumating ung 2:00 pm dito pa rin kami sa hauz, so nilakasan ko na lng loob ko bahala na. iniisip ko nnman kc na byahe nnman ng malayo mga 1.5 hours pa nman sakay ng jeepney. Parang ang layo na sken nun panu hindi ko na rin kaya magbyahe ng ilang kilometro ang layo dito sa bahay kc umaatake talaga ang panic. Pero natuloy pa rin kami, yun nga lng pagdating sa clinic nahihilo nnman ako den syempre kuha ng bp nalaman ko nnman mataas nnman bp ko eh ganun nman talaga mangyayari as expected. I ignore it na lang to think im in the hospital nman if ever my mangyari im in the right place anyway. Den after ng check up umuwi na kami, that was 8:00 pm ng makauwi kami. Nagtataka rin ako kung bakit ang bilis ko mapagod eh samantala dati kahit malayo ung nilalakad nmin ayos lng. Pero ngayon pag dating ko sa bahay halos sobrang pagod ako eh nagbyahe lang nman ng 1.5 hours pra bang di ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang pagod.

1 comment:
BRO hi im mark, Stress yan. ganyan na ganyan ako katulad mo. Di ko naman alam kung bakit rin ako nagka ganyan dati naman hindi ako nagpapanic attack. almost 1 year rin ako ganyan, halos nagagalit na nga family ko sakin kc hindi ko daw nilalabanan. kung saan saan na ako ngpapacheck up pero normal naman yung result.laki rin ng pinayat ko from 152 pounds to 122 pounds. Nag take rin ako ng pangpakalma (Rivotril). Effective naman sya sakin yun nga lng inaantok ako pg nag tatake nun. Ngayun ok na ako, Ang gamot dyan labanan mo, always think positive isipin mo na walang mngyayari sayung masama, libangin mo sarile mo, relax... Bro try mo magbasa ng Book ni Norman Vincent Peale "Power of Positive Thinking". Yan ang binabasa ko nung ngkaka panic attack ako. malaking tulong yung book na yun sakin.Basta bro isipin mo na KAYA MO YAN WAG KNG MAGPAPATALO SA SARILE MO... :)
Post a Comment